Pyutur.. what?

Tuesday, September 13, 2011

   Dati, kapag nakakasagot ako ng tama sa mga tanong sa eskwelahan noong grade school ako, ang sinasabi sa akin ng teacher ko ay 'may future ka!'.
   Nang makatungtong ako ng high school, kapag napansin ang katalinuhan at galing mo sa mga subjects, ang laging linya sayo ay 'may future ka!'.
   At ngayong kolehiyala na ako, kung saan nasa maximum rating na ang malupit na pagsasama ng presure, stress, at puyat, at ang pakiramdam mo e niluluto ka sa hirap ng kinukuha mong subjects plus what-the-heck professors, minsan kong naitanong sa sarili ko: 'may future nga ba talaga ako?'

   Dito sa ating Inang Bayan, ang batayan ng pagiging isang edukado/edukadang tao at ang posibilidad ng pagiging matagumpay ay ang pagkakaroon ng magandang educational background. In short, degree holder. College graduate. May plus ka pa kung nag-doctoral or masteral ka pa. Ang taas ng tingin sayo ng mga tao nun! Tunay kang ipagmamalaki ng mga magulang mo kung graduate ka ng ganitong kurso. Syempre, dugo't pawis ang ginugol nila maipagtapos ka lang ng pag-aaral. Yun nga lang, ikaw halos isanla mo na ang kaluluwa mo kay God kakadasal na sana e ipasa ka ng prof mong ubod ng swapang. Pagdating sa trabaho, kung magaling ka at may hawak na titulong may 'Laude' sa dulo, ikaw ang hahabulin ng mga kumpanya. Tapos mararanasan mong mas madali pa palang magtrabaho kesa mag-aral. Pero noong nag-aaral ka pa, halos habulin ka na ni Kamatayan dahil lagi mong kinukuha ang kalawit nya sa grade mo. Well, that's the worst case scenario naman. Hindi naman lahat tayo e ganun ang naranasan.

"Don't chase success. Be a good engineer and success will chase you." ~Rancho, 3 Idiots


    Ang sarap nyan pakinggan. Tama naman kasi, na dapat gawin mo lang ang best mo. Galingan mo lang lagi sa pag-aaral, wag ma-distract, keep your focus on the game. Yun nga lang, nung malaman mong pumalya ka sa grade mo ng midterm nawalan ka ng vibes mag-aral. Nagsimulang tamarin, at pinag-isipan kung itutuloy pa ba ang laban na pinangangambahang mauuwi sa wala. Minsan na ring sumagi sa isipan ko yan. Ay, hinde. Madalas din pala, lalo na sa mga subjects na aakalain kong babagsak ako pero kagulat-gulat ang final results. Minsan nga, dun ka pa dapat kabahan sa mga tipong hindi mo maramdaman yung subject, o parang petiks lng subject ang ang dating. Ang akala mong sure pass, naging sure retake. Mas kampante ako sa mga subjects na kapag turo't aral, turo't aral lang. Yung nandun yung pakiramdam ng professionalism ng subject na inaaral mo. Nanunuot sa bawat kalamnan mo yung impormasyon at knowledge na pinareregister sayo ng prof mo sa utak mo. Yun, kahit mababa grade ko kung ganun yung prof ko tatanggapin ko ng buo yun! 

"Fear is not good for grades." ~Raju, 3 Idiots

   What I always learn when I tend to trip on the ground is not to be afraid of the future. Bakit mo aaalalahanin ang mga bagay na walang kasiguraduhan kung dito pa lang titigil ka na? Ang mga bagay na kinatatakutan ay magiging posible kung dito pa lang sa puntong ito, ginagawa mo nang posible. Pasado ka nung prelim, yes! Ok na midterm mo kahit mababa. Pero nung dumating ang midterms, pumalya. Lagapak! Ang pakiramdam? Para kang sumubsob sa lupa una ang mukha mula sa pagkatalon mo ng pagkataas-taas. Melancholic. Nawala ang pakialam mo sa lahat ng nasa paligid mo. At ayun nga, natakot ka na sa mga susunod na pedeng mangyari. Pero lagi namang nagbibigay si God ng pagkakataon. May second sem pa, ay este- may finals pa para gugulin! 2/3 kaya percentage nun sa final grade! Kung matatakot tayong magpatuloy a nag-isip ng mangyayari sa future, pano na lang tayo mabubuhay sa pangkasalukuyan? Ba't ba kailangan nating isipin yung mga bagay na mangyayari pa lang kung di naman yun mangyayari ngayon? Wala ka pa ngang ginagawa, sure ka na agad na ganun mangyayari? Ang weird din. Pero ayos na rin yun, yung may perspective ka sa kung anong mangyayari sa future. Pero dapat, ginagamit lang yun pang guide. Reference, kumbaga. Kung ganun yung gusto mong mangyari, dapat ganito yung gawin mo. Hindi yung ganito yung nangyari, ganun na rin mangyayari sa future. Syempre iaalter mo yun, itatama mo yung nagkamali para tumama at tumugma sa naging perspektibo mo sa gusto mong mangyari.

   At bakit ko ba pinagsasasabi ang mga to? Haha. Well, medyo naeexperience lang. XD Nagpapalakas na rin ng loob dahil talaga namang mayuyupi na ako sa pressure na tinatanggap ng utak ko. Ang hirap maging estudyante! Ang hirap.

   May future ako, nagpagisip-isip ko. Dahil hindi natin matatakasan ang oras at panahon, darating at darating tayo sa puntong ito na ang hinaharap. Hindi nga lang natin alam kung sino at ano ang pagkakakilanlan natin sa panahong iyon. Wala tayong ideya kung anong klaseng mundo ang gagalawan natin. Take note: it's the real world already. Ang pinaka aasam nating panahon na tayo, sa sarili natin, magmumula ang mga desisyon natin sa buhay. Kung kaya't dapat paghandaan ang future. It's this time that we mold ourselves to what we want to be in the future. Dahil kung hindi, yare! Sino ka? Ok lang yun! May future ka naman e! :)

0 comments: