Gudbay.. Buhay.

Saturday, September 24, 2011

     May kasabihan tayo na bago mo mahalin ang kapwa mo, mahalin mo muna ang sarili mo. Hindi ko makuha yung saktong kasabihan, pero pwede na yan! Haha. Kung tutuusin, bago mo mahalin ang iba natutunan mo munang mahalin ang sarili mo. Sarili ang unang iniintindi bago ang iba. Sa panahong alam mong hindi mo na mapapabayaan ang sarili, saka mo bubuksan ang mundo para sa iba. Sa buhay pag-ibig naman, sabi ng love experts ay kung magmamahal ka wag kang magmamahal ng todo-todo. Wag mong ibibigay ang lahat, at wag mong kalimutang mag-iwan para sa sarili lalo na kung hindi ka sigurado sa minamahal. Para kung babagsak ka, hindi mo masyadong iindahin ang sakit kasi mahal mo ma pa rin ang sarili mo.
     Ang pagmamahal sa sarili ay isang bagay na dapat mapatunayan ng bawat indibidwal. Parang isang factor ito na bubuo sa pagkatao natin. Pero ang lahat ng bagay ay may kabaliktaran. Equal ang lahat, kung may itaas, may ibaba. May nananalo, may natatalo. May masaya, may malungkot. Kahit saan may Yin Yang. Kung may mga taong mahal na mahal ang sarili bilang isang indibidwal, may mga tao ring kayang bawiin ang sariling buhay.
     Sa mga nakaraang araw, bali-balita sa TV, dyaryo, at radyo ang mga insidente ng mga taong binabawi at kinikitil ang sariling buhay. In other words, nagsu-suicide. Ang nakakatuwa pa dun, sa malls pa nila napiling mamatay. Well, I think they're very creative pa din. Haha! Kung sabagay, huling araw mo na dito sa mundong ibabaw at last glance mo na rin sa mga bagay na hindi mo na kailanman makukuha, matitikman, makikita, maaamoy, maririnig, at madarama. Narinig ko rin na pormang-porma at get-up kung get-up ang mga modern suicide pips. Last day na ng buhay mo sa mundong ibabaw, itodo mo na rin yung huling isusuot mo! Para pretty and handsome ka pa rin kahit tigok ka na. Oo nga no? May sense yon, ngayon ko lang na-realize. Nakakapagtaka rin kung bakit maraming pangyayari ang tulad nito na hindi maagapan, at talaga namang super nakapagtataka kung bakit may gustong pumatay ng sarili nilang buhay.
    Ayon sa Bible, kung saan nakasaad ang sampung utos ng Diyos, pang-lima sa sampu ang pagbabawal na kumitil ng buhay ng kapwa. Makes sense. Kahit naman hindi tayo magrefer sa Bible, para sa mga non-Catholics, hindi makatarungan ang pumatay ng kapwa. Pero ang sariling buhay? Doesn't make sense at all. Diba? Ang lakas din ng loob mong patayin ang sarili mo, binigay nga lang sayo yan 'tas ipagkakait mo pa sa sarili mo. Pasalamat ka sa mga magulang mo! Sila ang nagbigay sayo nyan, pinaghirpan nilang ibigay sayo yan no! Tuwang-tuwa pa silang nabuo ka, tapos ganun din ang mangyayari sa huli. Mabuti pa sigurong naisipan nilang ipalaglag ka kung mamamatay ka rin ng maaga. Nasayang ang isang buhay na sana ay napunta sa karapat-dapat mabuhay. Hind ako galit, nagpapaliwanag lang. Haha.
     Nakakainis isipin na maraming makikitid ang utak (opinion lamang po, ladies and gents) na gumagawa ng ganitong bagay, and I was so disappointed that even kids at an early age do attempts of suicide. I was like, omaygash. Bata? Naisipang magsuicide? That's a very serious matter to deal with, lalo na sa parents. Sa pagreresearch ko (naks, nagresearch talaga), we are ranked 89th in the world with most suicide deaths by the World Health Organization in 2008, male and female, child and adult alike. In total population, kumbaga. Pasok tayo sa top 100, pero ok na rin kesa sa mga nasa top 10 kung saan naglipana ang mga suicide thinkers sa bansa nila. This still justifies that Filipinos are cheerful and vigorous people. Ewan ko na lang ngayon ha, ngayon pa sa estado ng bansa natin. Ay, ewan ko na lang talaga teh.

     Well, kung ako yung tatayo sa kalagayan nila bago mamatay, I could think a couple of reasons why people do suicide. There are a lot, I'm sure. Pero mage-enumerate na lang ako ng mga obvious reasons why suicidal events happen.
  1. Depression - Naku! ang numero-unong emotional feeling na dapat sisihin sa dami ng taong nagpapakamatay. Actually, kapag depressed ka pakiramdam mo pa lang e paarang patay ka na rin. Wala kang gustong kausapin, iniisip mo walang nakakaintindi sayo, walang nagmamahal sayo (this is more applicable to those who are heartbroken, pero pwede ring hinde!), parang pasan mo ang buong mundo na pati mundo ni Marvin the Martian parang buhat mo na rin, gusto mong ilabas lahat-lahat ng hinanakit mo pero di mo nga magawa kasi pakiramdam mo walang makikinig sayo.. mga ganung tipo. Yung bigat sa dibdib mo hindi mo na mailabas, naipon lahat doon. Sa tingin ko nga, yung mga taong nadedepress ng todo at di kgad makaget-over e yung mga taong hindi kayang i-express yung saloobin nila. Naipon ng naipon yung sama ng loob, ayun. Nung napuno at wala ng mapaglagyan, wala nang naisip kundi patayin ang sarili. Isagad na natin to, tutal pakiramdam ko patay na ako! 'Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga.'
         Kung sabagay, pag depressed ka wala ka nang ibang maisip kundi ang sarili mo. Kung papaano mo maiwawaksi yung mabigat na pakiramdam if all else fails. Parang ginawa mong outcast yung sarili mo. Nagpaka emo-emohan. Weird. Ilang libong tao ang nasa paligid mo, kung hindi man lahat e meron at merong handang makinig sayo. If talking and shouting with yourself on the mirror works, do it! Lahat ng sobra ay masama, lalo na ang sobrang depression. Bubulagin ka niyan, mamanhidin, at bibingihin dala ng sama ng loob na namuo sa pagkatao mo. Anong ginagawa sa human waste pag di na kayang pigilan? Nilalabas! Iniipon mo ba yun sa loob? Yak! Hindi diba? Panget din kung iniipon mo yung sama ng loob mo sa sarili mo. It's an emotional waste that you should drive away from yourself. Relax, be optimistic, and live.
         And if everthing and all else fails, hindi lang kwatro kundi sinko ka na talaga sa rating mo sa buhay mo, always remember that there is someone who is always there for you. To give company, to listen to your rantings, to comfort you. Tingala ka lang, andyan si God. :) Lift up everything to Him, and He will take care of the rest. Syempre hindi lang si Catholic God and andyan, nandyan din ang Panginoon ng mga kapatid nating non-Catholics. Our Gods enlighten our burdens, and super sarap sa pakiramdam kapag pinapaubaya natin sa kanila ang mga problema natin. Sana, naisip nila yun bago magpakamatay.

  2. Poor parenting - Ahaaa.. dito papasok ang mga kaso ng mga bata at teenagers na nagpapakamatay. Kung tutuusin, we cannot put the blame on these kids. Natural na magulo at hindi pa maayos ang pagiisip nila. Eto ung stage kung saan maraming gumugulo sa isip ng isang bata o teenager, at.. yeah. Basta magulo! Hindi ko na ma-explain kasi katatapos ko lang dumaan don. Hahaha. XD Everything's different now. Anyway, sa tingin ko, and so does other people, na may kinalaman din ang mga magulang kapag nagsu-suicide yung mga anak nila. Kung napalaki nila ng tama ang mga anak nila, never would their kids attempt to do suicide.
         Kaya lang, di ko na maisip kung bakit naiisip ng mga batang ito ang isang bagay na hindi maisip ng mga matatanda na kayang gawin ng mga bata. Whew! Malaki ang impluwensya ng mga modernong bagay na nasa paligid natin ngayon, at marahil ay doon sila naka-adopt ng paraan kung paano tumakas sa tunay na mundo. Bilang bata, masyadong marahas ang tunay na mundo para makita't maranasan nila. Maaga silang na-expose dito, at dahil sa kakulangan ng gabay, naaadopt nila ito. Tulad nga ng sabi nila, ang utak ng tao ay parang sponge. Hinihigop nito ang lahat ng impormasyon na mahihigop nito.
        Nakakaawang isipin na sa panahon ngayon e nadadamay na ang mga kabataan sa kalokohan ng tunay na mundo. Kahit maliit na bagay ay kaya na nilang pagisipang magpakamatay para matapos ang pinagdadaanan nila. Sa bagay na ito na super alarming, I hope each and every parents and parent-to-be doesn't fail to inculcate life's moral values and traits within their children's lives.

  3. Negative outlook in life - Eto yung mga taong wala nang naisip sa mundo kundi nega, nega, nega! Wala nang naging tama, puro mali na lang! Tinamaan di yata ng depression tong mga to kaya kung tumingin sa mundo e parang impyerno ang ginagalawan nila. They tend to look on the negative side of life, nakalimutan nilang hindi nawawalan ng ikasisiya ang isang tao hangga't nabubuhay pa sila sa mundong ito. Nonsense naman yata kung nabuhay ka pero wala ka namang naging dahilan para matuwa. Isn't living enough reason for you to be happy? Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataong matikman ang sarap ng buhay. Napakaraming bagay ang nakakapagpasaya sa isang tao, imposibleng maubusan tayo nyan. Ang mga taong ganito ay parang mga kabayong pangarera or yung mga nasa kalesa. Meron silang takip sa mata, not actually takip na natatakpan yung mata nila, pero it guides them where they should go. Sabi nila, para daw hindi madistract ang mga kabayo at maging focused sila sa paglalakbay, at isang deretsong daan lang ang tatahakin nila. Kaya nga lang, pang inapplay sa tao, parang hindi yata maganda. Well, maganda yun sa sense na may patutunguhan at alam mo talaga kung saan mo gustong pumunta at may goal ka. Pero sa mga may negative outlook, parang hindi yata maganda. Diba dapat open tayo sa mga criticisms at sa ibang bagay pa? Hindi yung ito at ito lang ang nakikita natin. Set aside the negative vibes, let them evolve into experience.
         Sana lang e naramdaman nila ang totoong pakiramdam ng mabuhay. Ang sarap kaya mabuhay! Kung naapreciate lang nila ang at naging open-minded, hindi sana nila nagawa ang bagay na ito. Nakakalungkot lang isipin.

  4. Dahil sa walang kwentang bagay - I'm not sure if this is real, pero may mga nababasa rin akong balita na nagsusuicide ng dahil sa.. ewan? Yung mga dahilang mapapa- 'Ha? Dahil lang dun? Ang babaw naman'.
         I've read one story of a person who did suicide because of an April fools prank. The so-called Cosplay Queen of the Philippines (na ako mismo sa sarili ko sinasabi kong unjustifiable, wahaha.) did a video telling everyone that she is quitting cosplay. Knowing that this lady has, I don't know, millions of fans admiring and even loving her, majority were heartbroken and disappointed. Hindi ako fan, pero ni-like ko yung fan page nya, kaya alam ko yung bali-balita dati. Hehe. Days passed and April fool's day came, ayun. Nireveal niya na joke lang pala yung video. Not knowing that a person killed himself nung malaman niyang nag-quit sya magcosplay. I don't know if the story was reliable and true. Pero kung totoo, all I can say is.. Nyeks. What a lame reason.
         Sa tingin ko, kulang lang sa pundasyon at pagmamahal sa sarili ang mga ganitong tao. Di ko alam e, kasi di naman ako ganito magisip, haha. Ang gara lang, yun kasi kaagad yung naisip nila sa mga mabababaw na dahilan. Sana ay naliwanagan muna sila bago gumawa ng mga bagay na paghihinayangan ng marami.
     Naisip ko, naging masaya kaya sila sa desisyon nila? Napag-isipan din siguro nila ng maayos yun. Hindi rin madaling pagdesisyunang mamatay. Nawalan din sila ng choice, at napagod sa mga bagay na hindi na nila kayang pasanin pa. Nakakaawa, kung tutuusin. Wala na ring magagawa kung nangyari na. Hindi ko rin completely mailagay ang sarili ko sa sitwasyon nila, dahil hindi ko nararanasan ang pinagdadaanan nila. Wala akong alam. Siguro, yung iba napagdaanan ko na rin. Pero iba yung naging paraan ko para i-handle yung naging sitwasyon ko.
     Narealize ko rin na totoong lahat ng tao ay may kanya-kanyang paraan sa paglutas ng mga suliranin sa buhay. Iba-iba rin ag pag-iisip natin, kung kaya iba-iba ang approach natin. Kung may mga bagay na applicable sa atin, merong hindi nila gusto, and vice versa. All we can do is try to advice and let them feel they're not alone. Sana lang ay mabawasan na ang mga ganitong insidente, dahil maraming ngiti at luha ang naitatangay ng mga ganitong pangyayari.
     I pray to them that God may help them ease their pain and rest in peace. They will not need to worry anymore, for God is with them already. Amen! :)
     O, baka may kakilala kayong may suicidal tendency, pabasa nyo to. Haha! Baka magbago pa yung isip nila. O baka yung mismong nagbabasa e may balak? Gusto mong masapak? Nang tumino ang pag-iisip mo. XD Sana lang ay wag nating kalimutan ang halaga ng buhay. Life is a gift that we must protect and preserve! Kung may problema, huwag mag-'Goobye buhay'! Bagkus, dapat tayong maging optimistic at wag tatanga-tanga, at sabihing 'Goodbye problema'! :)

Pyutur.. what?

Tuesday, September 13, 2011

   Dati, kapag nakakasagot ako ng tama sa mga tanong sa eskwelahan noong grade school ako, ang sinasabi sa akin ng teacher ko ay 'may future ka!'.
   Nang makatungtong ako ng high school, kapag napansin ang katalinuhan at galing mo sa mga subjects, ang laging linya sayo ay 'may future ka!'.
   At ngayong kolehiyala na ako, kung saan nasa maximum rating na ang malupit na pagsasama ng presure, stress, at puyat, at ang pakiramdam mo e niluluto ka sa hirap ng kinukuha mong subjects plus what-the-heck professors, minsan kong naitanong sa sarili ko: 'may future nga ba talaga ako?'

   Dito sa ating Inang Bayan, ang batayan ng pagiging isang edukado/edukadang tao at ang posibilidad ng pagiging matagumpay ay ang pagkakaroon ng magandang educational background. In short, degree holder. College graduate. May plus ka pa kung nag-doctoral or masteral ka pa. Ang taas ng tingin sayo ng mga tao nun! Tunay kang ipagmamalaki ng mga magulang mo kung graduate ka ng ganitong kurso. Syempre, dugo't pawis ang ginugol nila maipagtapos ka lang ng pag-aaral. Yun nga lang, ikaw halos isanla mo na ang kaluluwa mo kay God kakadasal na sana e ipasa ka ng prof mong ubod ng swapang. Pagdating sa trabaho, kung magaling ka at may hawak na titulong may 'Laude' sa dulo, ikaw ang hahabulin ng mga kumpanya. Tapos mararanasan mong mas madali pa palang magtrabaho kesa mag-aral. Pero noong nag-aaral ka pa, halos habulin ka na ni Kamatayan dahil lagi mong kinukuha ang kalawit nya sa grade mo. Well, that's the worst case scenario naman. Hindi naman lahat tayo e ganun ang naranasan.

"Don't chase success. Be a good engineer and success will chase you." ~Rancho, 3 Idiots


    Ang sarap nyan pakinggan. Tama naman kasi, na dapat gawin mo lang ang best mo. Galingan mo lang lagi sa pag-aaral, wag ma-distract, keep your focus on the game. Yun nga lang, nung malaman mong pumalya ka sa grade mo ng midterm nawalan ka ng vibes mag-aral. Nagsimulang tamarin, at pinag-isipan kung itutuloy pa ba ang laban na pinangangambahang mauuwi sa wala. Minsan na ring sumagi sa isipan ko yan. Ay, hinde. Madalas din pala, lalo na sa mga subjects na aakalain kong babagsak ako pero kagulat-gulat ang final results. Minsan nga, dun ka pa dapat kabahan sa mga tipong hindi mo maramdaman yung subject, o parang petiks lng subject ang ang dating. Ang akala mong sure pass, naging sure retake. Mas kampante ako sa mga subjects na kapag turo't aral, turo't aral lang. Yung nandun yung pakiramdam ng professionalism ng subject na inaaral mo. Nanunuot sa bawat kalamnan mo yung impormasyon at knowledge na pinareregister sayo ng prof mo sa utak mo. Yun, kahit mababa grade ko kung ganun yung prof ko tatanggapin ko ng buo yun! 

"Fear is not good for grades." ~Raju, 3 Idiots

   What I always learn when I tend to trip on the ground is not to be afraid of the future. Bakit mo aaalalahanin ang mga bagay na walang kasiguraduhan kung dito pa lang titigil ka na? Ang mga bagay na kinatatakutan ay magiging posible kung dito pa lang sa puntong ito, ginagawa mo nang posible. Pasado ka nung prelim, yes! Ok na midterm mo kahit mababa. Pero nung dumating ang midterms, pumalya. Lagapak! Ang pakiramdam? Para kang sumubsob sa lupa una ang mukha mula sa pagkatalon mo ng pagkataas-taas. Melancholic. Nawala ang pakialam mo sa lahat ng nasa paligid mo. At ayun nga, natakot ka na sa mga susunod na pedeng mangyari. Pero lagi namang nagbibigay si God ng pagkakataon. May second sem pa, ay este- may finals pa para gugulin! 2/3 kaya percentage nun sa final grade! Kung matatakot tayong magpatuloy a nag-isip ng mangyayari sa future, pano na lang tayo mabubuhay sa pangkasalukuyan? Ba't ba kailangan nating isipin yung mga bagay na mangyayari pa lang kung di naman yun mangyayari ngayon? Wala ka pa ngang ginagawa, sure ka na agad na ganun mangyayari? Ang weird din. Pero ayos na rin yun, yung may perspective ka sa kung anong mangyayari sa future. Pero dapat, ginagamit lang yun pang guide. Reference, kumbaga. Kung ganun yung gusto mong mangyari, dapat ganito yung gawin mo. Hindi yung ganito yung nangyari, ganun na rin mangyayari sa future. Syempre iaalter mo yun, itatama mo yung nagkamali para tumama at tumugma sa naging perspektibo mo sa gusto mong mangyari.

   At bakit ko ba pinagsasasabi ang mga to? Haha. Well, medyo naeexperience lang. XD Nagpapalakas na rin ng loob dahil talaga namang mayuyupi na ako sa pressure na tinatanggap ng utak ko. Ang hirap maging estudyante! Ang hirap.

   May future ako, nagpagisip-isip ko. Dahil hindi natin matatakasan ang oras at panahon, darating at darating tayo sa puntong ito na ang hinaharap. Hindi nga lang natin alam kung sino at ano ang pagkakakilanlan natin sa panahong iyon. Wala tayong ideya kung anong klaseng mundo ang gagalawan natin. Take note: it's the real world already. Ang pinaka aasam nating panahon na tayo, sa sarili natin, magmumula ang mga desisyon natin sa buhay. Kung kaya't dapat paghandaan ang future. It's this time that we mold ourselves to what we want to be in the future. Dahil kung hindi, yare! Sino ka? Ok lang yun! May future ka naman e! :)

Si Rush.

Thursday, September 8, 2011

   Sleep deprived. Eto ako ngayon. Walang tulog, pero gumagawa ng blog.

   Eh kasi naman, ang daming ginagawa sa school. Nung lunes, and sabi ko 'Mukhang maganda ang week na 'to. Exams man, mamamanage ko naman'. Pero tila binagsakan ako ng bomba sa munti kong 'exam-set' world nang sabihin sa amin na gagawa kami ng isang sirkitong hindi magagawa kung hindi pagpupuyatan. Pero.. sabagay. Exam din naman yun. Pero next monday na ang pasahan? Naka PCB na't lahat-lahat?? Hay nako nga naman oo. Instant hell week!

   Ang gara ng panahon ngayon ano? It's like everything is in a hurry. Para bang laging may deadline na hinahabol. Nagmamadali. Rush. Sino kaya ang unang taong na-rush? Siguro pinamarisan sya ng iba kaya mala-virus ang paglaganap ng ugaling ito. Tapos dumatting sa Pilipinas yung may rush syndrome. Kaya natuto din ma-rush ang mga Pinoy. O, inimbento kaya ang rush? Nako, kung sino man ang nagimbento ng rush.. malamang patay na. Sino ba naman ang di mamamatay sa pakiramdam na lagi kang naru-rush?

   Pero kung tutuusin, hindi rin naman maiiwasan ang rushness effect. Me ganon, haha. Minsan, kelangan ng rush. Kung walang rush, may mga bagay na hindi natin magagawa. Yung tipong, hindi pwede bukas or some other day. Dapat ngayon! Rush! Kung iaapply mo naman sa online games, walang pera o in-game money or sometimes real cash kung walang rush. Walang papansin sayo kung hindi ka rush. Haha! 'Selling blah-blah echoz item, RUSH!'

   Rush is something that we cannot change. Araw-araw yata me nagru-rush. Kung ibibigay sa tamang oras at gagawin sa tamang panahon, walang rush na mangyayari. Walang magru-rush, walang disappointments, lahat masaya. :)

   Nako, anong oras na pala. Sleep deprived nga pala ako, kelangan na matuog! Ipopost ko na nga to, rush!